Martes, Disyembre 30, 2014

Elehiya

   -Ang Elehiya ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o 
   paggunita sa isang nilalang na sumakabilang-buhay na. .   
   
          
          Elehiya sa Kamatayan ng AkingKapatid

Bhutan, September 3, 2010
Isinalinsa Filipino niTeresita F. Laxima


Hindi pa panahon!
Sagulangnadalawampu'tisa, napunong-punongbuhay.
Malungkotniyangpaglalakbay, ngayo'yhindinamatanaw.
Panganaynaanak, taglayanghindinamabilangnapangarap.
Sagitnang di natupadnapangarap at di naipadamangpag-ibig.
Nataposnaangburol.
Sagitnangmakulimlimnapanahon.
Paniwalaa'tdili, maypagkabagabag at panghihinayang.

Anoang tanging naiwan
Nakakuwadradongmgalarawang-guhit, poster at kinunanglarawan.
Aklat, talaarawan at mgadamit.
Walanangdapat pang ayusin,
Isangulilangteheras.
Nataposna, sapagitanngmgaluha, mapaitnakapalaran.
Angmaamongmukha, angmalamyosnatinig.
Angmatinisnahalakhak,
Mgaligayang di-malilimot.

Patuloyangpagdarasal
Kasamaangpagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upangmagkaroonngkapayapaanangkanyangwalanghanggangpagpapahinga
Mulasa di mabilangnamgataonngpaghihirap
Sa pagtuklasngkarunungannagingmailap,
Sa paghanapngmagbibigay-katuparansapinakamimithingedukasyon,
Luha'ynatuyo, lakas ay pumanaw.
Anoangkinahantungan
Anghiramnabuhay, tuluyangnawala!

Pema, angimortalnapangalan.
Mulasanilisangnangungulilangtahanan
Walangnaiwan, niimahe, nianino, nikatawan!
Balana'ynagluksa at nagsisiyukod,
Magingpananim ay kumakawayngpamamaalam, ang tag-arawtahimiknatumatangis.
Ganoon din anglahatng nag-alayngdakilangpagmamahal,
Angisanganakngakingina, kailanma'yhindinamasisilayan pa
Angkatuparanngminimithingpangarap!  

Parabula

 
         -Ang Parabula ay gumagamit ng Matatalinghagang salita nagbibigay ng rin ito ng aral sa mga mambabasa
        -mga kwentong mababsa sa banal na aklat o bibliya.
 

                                                          Parabula ng Banga
    
          "Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa," ang tagubilin ng Inang banga sa kanyang anak. "Tandaan mo ito sa buong buhay mo." "Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?" ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.
     "Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga." Kaya't sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba't ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw. Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.
     Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya'y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.
     "Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama," bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan."
     "Tayo na," sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon. Nang sila'y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
     Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya'y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

Uri ng Paghahambing



 - tumutukoy sa paghahambing o pagkukumpara ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao,bagay,ideya,pangyayari atbp.


     
  . Paghahambing ng Magkatulad
          -may parehas na antas ng katanigan ng dalawang bagay.
         - Ginagamitan ng Panlaping: KA,MAGKA,GA,SING,KASING,MAGSING,MAGKASING,
             at mga salitang PARIS,TULAD,HAWIG\KAHAWIG,MISTULA,MUKHA\KAMUKHA.

                  Hal: Magkaedad si Lea at Leo.
    
    Paghahambing na Di-magkatulad
             -may magkaibang katangian ang dalawang bagay,
       
       Mga uri:
           1.Hambingang Pasahol
              -masmataas ang antas ng pinaghahambing
              -LALO,DI-GAANO,DI-GASINO, AT DI-TOTOO
   
                 Hal:Lalo siyang gaganda kung siyay magpapagupit.
    
          2. Hambingang Palamang 
              -mas mataas ang katangian ng inihahambig
              -LALO,HIGIT,MAS,KAYSA,KAY,LABIS,DI-HAMAK
               
                 Hal: Lalo siyang gumanda ng siyay magpagupit
      
         3. Modernisasyon\ katamtaman
                -inuulit ang panlaping ma
                   Hal:Magaganda ang proyekto noon kaysa sa nagyon.



Repleksyon:
           Natutunan ko  na kahit  sa simpleng paguusap lang nagagamit ang mga uri ng paghahambing  kaya mahalagang pagaralan ito.

Linggo, Nobyembre 23, 2014

NOBYEMBRE 08, 2014
  PAGBABALIK ARAL MULA LUNES HANGGANG      BIYERNES

Pinag aralan namin ngayong linggo tungkol sa mga bansang nasa Timog Kanlurang Asya kabilang ang Israel, Saudi Arabia, at India.Noong nakaraang Miyerkules, sa Computer Laboratory naming tinalakay Ang mga Elemento at mga Hakbang sa paggawa ng TV/ Movie Trailer.Sa pag-aaral namin nito ,Akoy lubos na nasisiyahan dahil alam kong madami akong matututunan, at magkakaroon pa ako ng magandang alaala sa paggawa nito.
   Noong nakaraang Huwebes, tinalakay naming ang istoryang “Rama at Sita”, na siya namang binasa ni Christian Hill Arlante sa unahan.Nagbigay sa amin si Ginang Mixto ng isang Takdang Aralin na kailangan naming ibigay ang mga katangian ng bawat karakter sa Rama at Sita na sina: Rama, Sita, Ravana, Lakshamanan at Surpanaka at kailangan naming ilista ang mga kababalaghan at kabayanihan na makikita sa Rama at Sita.
     Para sa araw na Biyernes ito si Bb.Maryjoy Basbas ang nagturo sa amin ,inumpisahan niya ang pagkwewento ng istoryang “Rama at Sita” na sinundan ng top1 na si Camille Vivar pataas at tinapos ni Jester Manuba top 13. Sinagutan namin ang mga ilang mga tanong patungkol sa Rama at Sita, Sa pagsagot ko sa mga tanong na ito,  mas nakilala ko ang kultura ng bansang India.



Huwebes, Oktubre 23, 2014

Elemento ng Dula

1. Iskrip- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.

2. Gumaganap o Aktor- Nagsisiganap sa entablado upang bigyang buhay ang kanilang papel sa pamamagitan ng mga diyalogo.

3. Tanghalan- lugar kung saan dinaraos ang isang dula.

4. Direktor- namamahala sa iskrip ng dula.

5. Manonood- mga taong sumasaksi sa pangtatanghal.

Pampalawak ng Pangungusap

Paningit
  - ba, kasi, kaya, daw, raw, din, rin, man, muna, na naman atbp.

Panuring
  - gamit ang karaniwang pang-uri.
  - gamit ang pariralang panuring
 - gamit ang pang-abay

Mga kaganapan ng pandiwa
   - gamit ang kaganapang sanhi bilang pampalawak. (dahil sa)

Pangatnig

Pangatnig- Nag-uugnay ng mga salita, parirala,at ideya.

 1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
  ~ Ang Umalohokan ay nakapasok sa Top-10 maging ang Stentor.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)
Halimbawa:
~  Mapapataas ng Umalohokan at Stentor ang kanilang pwesto sa susunod na taon kapag mas pinag igihan pa nila ito.

Sanaysay

     Ang SANAYSAY ay isang salitang marami ang kahulugan. Ayon nga kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “isang nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang iba nama’y nagsasabi na na ito’y “isang tangka sa paglalarawan  at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba’t-ibang sangay nito”.  Ngunit kahit marami pa ang pakahulugan dito, isa lang ang malinaw sa ating lahat. Ito ay isang bahagi ng Panitikang Pilipino na nakatutulong sa atin na maipahag ang ating opinyon. Isang simpleng sulatin na pwedeng gumising sa mga tao tungkol sa isang particular na isyu sa atin ngayon.

Halimbawa ng Sanaysay:
    
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
       Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.   
      Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. 
      Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan. 

Modal

Modal- Ito ay tinatawag ding malapandiwa.

Gamit ng Modal:

1. Bilang pantulong sa pandiwang nasa anyong pawatas.
2. Bilang panuring na may kahulugang pandiwa.

Uri ng Modal

1. Nagsasaad ng pagnanasa. (Hangad, Gusto, Nais)
2. Nagsasaad ng obligasyon. (Dapat, Kailangan)
3. Nagsasaad ng posibilidad. (Maaari, Siguro,Marahil, Puwede)

Pabula

PABULA- uri ng kwento kung saan ang mga hayop ang nagsisilbing pangunahing tauhan.

Halimbawa ng Pabula:

Ang Hatol ng Kuneho

(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.

“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.

“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.

“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”

Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.

“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”

Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upangtulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.

Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.

“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.

“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.

“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”

“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”

Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.

“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”

“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”

Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.

“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilangnnaglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”

“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.

Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.

“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.

“Ano na naman!” singhal ng tigre.

“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”

“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”

“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.

“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.

Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.

Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”

Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

                       Nagkamali ng Utos

       Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin.

Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.

Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.

Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.

“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.

Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.

“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.

Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.

“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”

Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.

“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.

“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.

“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.

“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.

Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.

Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.

Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.

“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.

Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.

Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.

       Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.

Ponemang Suprasegmental

Ponema- makabuluhang yunit ng tunog

Ponemang Suprasegmental- lumilinang sa paraan ng pagbigkas ng anumang salita.

1. Diin- Lakas o pagtaas ng tinig.
   Halimbawa:

~ GA.bi- uri ng gulay.
~ga.BI- pagdilim

2. Tono- taas o baba ng tinig.
  Halimbawa:

~maganda- 213
~maganda- 231

3. Antala- Saglit na paghinto upang mas lalong maintindihan ang sinasabi.
Halimbawa:

~Ako si Mae Clarice.
~Ako si Mae, Clarice.

 

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU

Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson



Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami.

Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso.

Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

Pandiwang Panaganong Paturol

PERPEKTIBO
     -Nagsasaad ng kilos na naganap na.
Halimbawa:
1.  Si Darren ay nagsulat.
IMPERPEKTIBO
-          Nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagagaganap.
Halimbawa:
2.  Si Darren ay nagsusulat.
KONTEMPLATIBO
-          Nagsasaad na ang kilos ay magaganap pa lamang.
Halimbawa:
3.  Si Darren ay magsusulat.
KATATAPOS LANG
-          Nagsasaad na ang kilos ay katatapos lang.
Halimbawa:
4.  Si Darren ay kasusulat lang.


Lunes, Setyembre 29, 2014

Ang Aking Paboritong Guro



          Seryoso, laging nakataas ang kilay, nakakatakot at napakaistrikto. Ganito ilarawan ng ilan ang isa sa terror teacher ng Mambugan National High School na si G. Fernanado Timbal. 
          Pero sino nga ba siya sa likod ng mga pananaw na ito?. Sa una, ganito ko rin ilarawan ang sinansabi nilang terror teacher ngunit ng maging guro siya namin noong ako ay nasa ikawalong baitang nagbago ang aking pananaw. Ang akala kong seryoso at nakakatakot ay isa pa lang masayahin at mapagbirong guro. Sa likod ng kanyang pagiging istrikto ay ang isang malambot at may ginintuang puso na handang magmalasakit sa mga estudyante. Kasabay nito ang mga magagandang payo na hindi mo inaasahang manggagaling sa kanya. Ang bawat tinuturo niya ay tatatak talaga sa isip at puso mo dahil bukod sa mahusay siyang magturo at dahil din isinasabuhay niya sa lahat ng bagay ang mga ito. At may mapupulot kang aral na talaga namang makakatulong sa iyo.
           Kaya para sakin, ang G. Timbal na kinakatakutan ng lahat ay ang pinakapaborito at pinaka di ko makakalimutang guro, na isa sa aking inspirasyon upang magpatuloy sa buhay at abutin ang aking mga pangarap.