Sabado, Marso 21, 2015

Ang Aming Guro

Masungit, di marunong ngumiti at strikto yan ang akala kong mga katangian ng aming guro. Ngunit ang mga akala kong ito`y tunay ngang akala lamang. Sa bawat pagtuturo niya mas lalo kong nakikilala ang tunay niyang ugali. Mahilig magbiro at napakasaya kung magturo yan ang tunay niyang ugali. Kung minsan nakataas ang kilay pero hanggang ganon lang iyon. Kung minsan mukhang galit pero agad ring mawawala iyon sa oras na magturo na siya. At sa likod ng pagiging seryoso niya ay isang malambot at mapagmalasakit na tao na handang magbigay ng mga payo. Sa buong taong pagtuturo niya ay mas lalo ko siyang hinangaan. Ang pagiging `talented`at mabait na guro niya ang babaunin ko sa pagtahak ko sa susunod na yugto ng aking buhay.

Bilang Isang Mag-aaral ng Baitang Siyam

Isang buong taong pag-aasaran, pagkukulitan at pagadadamayan sa mga problema yan ang hindi ko makakalimutan bilang isang mag-aaral ng baitang-siyam. Maraming mga karanasan ang mga kinaharap ko kasama ng aking mga ka mag-aral ang nagpatibay sa akin. Sa lahat ng aking mga nakamtan na nagpalakas at nagbigay aral, lahat ng yan ay saksi ang bawat isa sa amin. Mas lalo ko pang nakilala ang aking mga kaklase sa bawat mga pangyayaring dumaan sa amin. Sa bawat ngiti at tawa nila nakatago ang kanila-kanilang problema. Yung mga taong hindi ko pinapansin, ay yun palang magpapangiti saakin. Masaya ako at nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan na kahit minsan lang makausap ay laging tumutulong sa akin. Ngayong magiging baitang sampu na kami, kahit kaylan walang titibag sa mga pinag samahan namin. May umalis man at may bagong dumating sa puso`t isipan namin `forever AntiPolo` kami.

Biyernes, Marso 20, 2015

Ang Aking Opinyon tungkol sa K-12

K-12, Para sa lahat Marami ang nagsasabing masyadong biglaan ang pagpapatupad ng K-12. Ngunit marami rin ang nag-apila ukol dito na mas makakabuti raw ito sa pangkalahatan. Kung ating iisiping mabuti bagaman ang K-12 ay dagliang pinatupad ng pamahalaan hindi pa rin natin maikakaila ang mga maitutulong nito sa lahat lalong lalo na sa mga kapus-palad na nagpupursige na magkaroon ng maginhawang buhay.Sa dalawang taong dagdag sa High School maaari ng makapag trabaho matapos nito. Malaking tulong ito sa mga mag-aaral na nagnanais na makatulong agad sa kani-kanilang pamilya. Kulang man sa mga gusali at mga kagamitan sa bagong kurikulum hindi ito hadlang sa estudyanteg may pangarap at pursigido sa buhay.
Ika-siyam na Linggo ng Ika-apat na Markahan
      Ang pangalang Maria Clara ay nakakabit na sa atin, bilang isang filipina. Si Maria Clara ay pinakilala sa akda bilang isang mahinang babae, kung ganun ang mga Filipina ba sa kasalukuyan ay mahihina pa rin?
      Matapos namin basahin ang mga kabanata na may kaugnayan kay Maria Clara, napantanto ko na noon tunay ngang walang boses at kapangyarihan ang mga kababaihan. Sa makatuwid si Maria Clara ay sumisimbolo sa mga kababaihan noon na wala pang boses. Ngunit sa kasalukuyan ang mga kababaihan ngayon ay nakikipagsabayan na rin sa mga kalalakihan, na nagpapakita ng pag-unlad ng karapatan ng mga kababaihan.
Ika-walong Linggo ng Ika-apat na Markahan
     Pinag-aralan namin ngayong linggo ang dalawang mahalagang kababaihan sa akdang Noli Me Tangere na sina Maria Clara at Sisa. Si Maria Clara ay kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay isang mahinhin at napakagandang babae. Sa kadahilanang mahal na mahal niya si Crisostomo handa siyang magpakasal sa ibang lalake. Sa kabilang banda naman ay si Sisa na nawala sa katinuan dahil sa labis na pangungulila sa kanyang mga anak. Silang dalawa ay nagpapakita ng kahulugan ng pagmamahal at sa kung anong kayang gawin ng isang babae para sa kanyang minamahal.
     Natutunan ko na hindi man laging masaya ang kahahantungan ng labis na pagmamahal, minsan nakakabaliw at kung minsan ay nakakagawa ng mga maling desisyon pero kung iisipin ganun talaga pag nagmamahal. Handa ka gumawa ng mga bagay na masakit para sa iyo upang maging masaya ang minamahal mo. At sa kabila ng lahat di ka naghahantay ng kapalit.
Para sa Ika-Pitong Linggo ng Ika-apat na Markahan
       Sa buong linggong ito tinalakay namin ang kagitingan ni Elias. Tunay ngang napakadakila niyang tao. Kahit mahal na mahal niya si Salome mas pinili pa rin niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan. Mas nanaig ang hangarin niyang makamtan ang kalayaan kesa sumama kay Salome at manirahan ng nagatatago sa pamahalaan. Dahil kay Elias namulat ang aking isipan tungkol sa pagmamahal sa bayan. Natutunan kong ang tunay na kadakilaan ng tao ay maipapakita kahit sa simpleng bagay lamang. Sa simpleng pagtulong sa ating kapwa ng hindi naghahantay ng kapalit maipapakita ang ating pagiging magiting na tao.