Sabado, Marso 21, 2015

Bilang Isang Mag-aaral ng Baitang Siyam

Isang buong taong pag-aasaran, pagkukulitan at pagadadamayan sa mga problema yan ang hindi ko makakalimutan bilang isang mag-aaral ng baitang-siyam. Maraming mga karanasan ang mga kinaharap ko kasama ng aking mga ka mag-aral ang nagpatibay sa akin. Sa lahat ng aking mga nakamtan na nagpalakas at nagbigay aral, lahat ng yan ay saksi ang bawat isa sa amin. Mas lalo ko pang nakilala ang aking mga kaklase sa bawat mga pangyayaring dumaan sa amin. Sa bawat ngiti at tawa nila nakatago ang kanila-kanilang problema. Yung mga taong hindi ko pinapansin, ay yun palang magpapangiti saakin. Masaya ako at nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan na kahit minsan lang makausap ay laging tumutulong sa akin. Ngayong magiging baitang sampu na kami, kahit kaylan walang titibag sa mga pinag samahan namin. May umalis man at may bagong dumating sa puso`t isipan namin `forever AntiPolo` kami.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento