Biyernes, Marso 20, 2015

Ika-siyam na Linggo ng Ika-apat na Markahan
      Ang pangalang Maria Clara ay nakakabit na sa atin, bilang isang filipina. Si Maria Clara ay pinakilala sa akda bilang isang mahinang babae, kung ganun ang mga Filipina ba sa kasalukuyan ay mahihina pa rin?
      Matapos namin basahin ang mga kabanata na may kaugnayan kay Maria Clara, napantanto ko na noon tunay ngang walang boses at kapangyarihan ang mga kababaihan. Sa makatuwid si Maria Clara ay sumisimbolo sa mga kababaihan noon na wala pang boses. Ngunit sa kasalukuyan ang mga kababaihan ngayon ay nakikipagsabayan na rin sa mga kalalakihan, na nagpapakita ng pag-unlad ng karapatan ng mga kababaihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento