Sabado, Marso 21, 2015

Ang Aming Guro

Masungit, di marunong ngumiti at strikto yan ang akala kong mga katangian ng aming guro. Ngunit ang mga akala kong ito`y tunay ngang akala lamang. Sa bawat pagtuturo niya mas lalo kong nakikilala ang tunay niyang ugali. Mahilig magbiro at napakasaya kung magturo yan ang tunay niyang ugali. Kung minsan nakataas ang kilay pero hanggang ganon lang iyon. Kung minsan mukhang galit pero agad ring mawawala iyon sa oras na magturo na siya. At sa likod ng pagiging seryoso niya ay isang malambot at mapagmalasakit na tao na handang magbigay ng mga payo. Sa buong taong pagtuturo niya ay mas lalo ko siyang hinangaan. Ang pagiging `talented`at mabait na guro niya ang babaunin ko sa pagtahak ko sa susunod na yugto ng aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento