NOBYEMBRE
08, 2014
PAGBABALIK
ARAL MULA LUNES HANGGANG BIYERNES
Pinag aralan namin
ngayong linggo tungkol sa mga bansang nasa Timog Kanlurang Asya kabilang ang
Israel, Saudi Arabia, at India.Noong nakaraang Miyerkules, sa Computer Laboratory naming
tinalakay Ang mga Elemento at mga Hakbang sa paggawa ng TV/ Movie Trailer.Sa
pag-aaral namin nito ,Akoy lubos na nasisiyahan dahil alam kong madami akong
matututunan, at magkakaroon pa ako ng magandang alaala sa paggawa nito.
Noong nakaraang Huwebes, tinalakay naming ang
istoryang “Rama at Sita”, na siya namang binasa ni Christian Hill Arlante sa
unahan.Nagbigay sa amin si Ginang Mixto ng isang Takdang Aralin na kailangan
naming ibigay ang mga katangian ng bawat karakter sa Rama at Sita na sina:
Rama, Sita, Ravana, Lakshamanan at Surpanaka at kailangan naming ilista ang mga
kababalaghan at kabayanihan na makikita sa Rama at Sita.
Para sa araw na Biyernes ito si Bb.Maryjoy
Basbas ang nagturo sa amin ,inumpisahan niya ang pagkwewento ng istoryang “Rama
at Sita” na sinundan ng top1 na si Camille Vivar pataas at tinapos ni Jester
Manuba top 13. Sinagutan namin ang mga ilang mga tanong patungkol sa Rama
at Sita, Sa pagsagot ko sa mga tanong na ito, mas nakilala ko ang kultura
ng bansang India.