Biyernes, Marso 20, 2015

Para sa Ika-Pitong Linggo ng Ika-apat na Markahan
       Sa buong linggong ito tinalakay namin ang kagitingan ni Elias. Tunay ngang napakadakila niyang tao. Kahit mahal na mahal niya si Salome mas pinili pa rin niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan. Mas nanaig ang hangarin niyang makamtan ang kalayaan kesa sumama kay Salome at manirahan ng nagatatago sa pamahalaan. Dahil kay Elias namulat ang aking isipan tungkol sa pagmamahal sa bayan. Natutunan kong ang tunay na kadakilaan ng tao ay maipapakita kahit sa simpleng bagay lamang. Sa simpleng pagtulong sa ating kapwa ng hindi naghahantay ng kapalit maipapakita ang ating pagiging magiting na tao. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento