Biyernes, Marso 20, 2015

Ika-walong Linggo ng Ika-apat na Markahan
     Pinag-aralan namin ngayong linggo ang dalawang mahalagang kababaihan sa akdang Noli Me Tangere na sina Maria Clara at Sisa. Si Maria Clara ay kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay isang mahinhin at napakagandang babae. Sa kadahilanang mahal na mahal niya si Crisostomo handa siyang magpakasal sa ibang lalake. Sa kabilang banda naman ay si Sisa na nawala sa katinuan dahil sa labis na pangungulila sa kanyang mga anak. Silang dalawa ay nagpapakita ng kahulugan ng pagmamahal at sa kung anong kayang gawin ng isang babae para sa kanyang minamahal.
     Natutunan ko na hindi man laging masaya ang kahahantungan ng labis na pagmamahal, minsan nakakabaliw at kung minsan ay nakakagawa ng mga maling desisyon pero kung iisipin ganun talaga pag nagmamahal. Handa ka gumawa ng mga bagay na masakit para sa iyo upang maging masaya ang minamahal mo. At sa kabila ng lahat di ka naghahantay ng kapalit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento